Travel ban sa Thailand at Malaysia ikinasa ng Pilipinas

DFA photo

Nagpatupad na rin ng travel ban ang Pilipinas sa mga biyahero na mula sa Malaysia at Thailand.

Ito ay dahil sa patuloy na banta ng Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na pagbawalang makapasok sa bansa ang mga biyahero na mayroong travel history sa Malaysia at Thailand sa nakalipas na 14 araw.

Magsisimula aniya ang travel ban ng alas 12:01 ng hatinggabi ng July 25, 2021 at tatagal ng hanggang 11:59 ng hatinggabi ng July 31, 2021.

Ayon kay Roque, para sa mga pasahero na nasa biyahe na, papasukin pa rin sila sa bansa bastat siguraduhin lamang na sumunod sa 14 na quarantine protocols.

Una nang nagpalabas ng travel ban ang Pilipinas sa mga biyahero na galing ng India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman.

Sa pinakahuling talaan ng Department of Health, nasa 47 na Delta variant na ang naitala sa bansa.

 

Read more...