Oathtaking ng mga bagong nurses gagawin online

Inanunsiyo ng Professional Regulation Commission (PRC) na ang mga pumasa sa nursing board examinations ay panunumpain sa darating na Agosto 16.

Ngunit ayon sa ahensiya ang oathtaking ceremony ay mangyayari online alas-10 ng umaga at ala-1 ng hapon.

Ayon para sa PRC ang lahat ng mga manunumpa ay kinakailangan na nakasuot ng formal o business attire at puti lamang ang kanilang backdrop.

Pinaalahanan din ang mga bagong nurses na kumuha din muna ng online appointment schedule sa website ng PRC at ang online registration ay ihihinto limang araw bago ang araw ng panunumpa.

Kinakailangan din na i-download at i-print ang ‘Oath of Professional’ mula sa PRC Online Services.

Read more...