YouTube views ni Alex Gonzaga umabot na sa isang bilyon

 

Umabot na sa isang bilyong views at 11 milyong subscribers ang YouTube platform ni Alex Gonzaga.

Ginawa ni Alex ang anunsyo kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ikaapat na anibersaryo bilang vlogger.

Sa Instagram post ni Alex, nagpapasalamat siya sa kanyang mga fans dahil sa suporta.

Hindi rin nakalimutan ni Alex na magpasalamat sa Panginoon.

Agad namang nagpaabot ng pagbati ang mga kaibigan ni Alex gaya nina Luis Manzano, Jessy Mendiola at Bianca Gonzalez.

 

 

Read more...