35 na volcanic earthquake naitala sa Bulkang Taal

PCG photo

Aabot sa 35 na volcanic earthquake ang naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.

Aabot naman sa 17 volcanic tremor na tumatagal ng 49 minuto ang naitala sa bulkan.

Patuloy na nagbubuka ang bulkan ng volcanic sulfur dioxide na umaabot ng 5,286 tonnes.

Umaabot naman sa taas na 900 meters ang naitatalang steam-rich plumes sa bulkan.

 

Read more...