1.5 milyong doses ng Sinovac COVID-19 dumating na sa Pilipinas

Dumating na sa bansa ang karagdagang 1.5 milyong doses ng Sinovac COVID-19.

Dumating ang mga bakuna kaninang 8:00 ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport sakay ng Cebu Pacific Flight 5J 671.

Mismong sina Health Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang sumalubong sa mga bakuna.

Dahil dito, nasa 16 milyong Sinovac vaccines na ang kakukuha ng Pilipinas.

Sa Biyerrnes, July 23 ay inaasahang darating sa bansa ang karagdagang isang milyong doses ng Sinovac vaccines.

Nasa limang milyong katao na ang fully vaccinated sa Pilipinas.

 

Read more...