Bagyong Fabian, nanalasa sa bansa, Signal Number 1 nakataas sa Batanes at Babuyan Islands

Patuloy na nanalasa ang Bagyong Fabian sa bansa.

Ayon sa Pagasa, nakataas pa rin ang Tropical Storm Signal Number 1 sa Batanes at Babuyan Islands.

Namataan ang bagyo sa 535 kilometers northeast ng Itbayat, Batanes.

Taglay ng bagyo ang hangin na 150 kilometers per hour at pagbugso na 185 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa west-northwest sa bilis na 10 kilometers per hour.

Hindi naman direktang magdadala ng ulan ang Bagyong Fabian subalit paiigtingin naman nito ang southwest monsoon o habagat.

Dahil dito, makararanas ng pag-ulan ang Ilocos Region, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, at northern portion ng Palawan kasama na ang Calamian at Kalayaan Islands.

Inaasahang lalabas sa bansa ang Bagyong Fabian sa araw ng Sabado at magla-landfall sa Ryuku archipalego.

 

Read more...