Biniling higit .5M doses ng Pfizer COVID 19 vaccines dumating

Dumating ngayon gabi ang unang batch ng binili ng gobyerno na Pfizer COVID 19 vaccines.

 

Pasado alas-8 nang lumapag sa NAIA Terminal 3 ang cargo plane na may dala ng higit sa 500, 000 ng bakuna.

 

Una itong dumaan sa Cebu kung saan ibinaba ang 51,480 doses at may katulad na bilang ang dadalhin sa Davao City bukas ng umaga para sa kabuuang 562,770 doses.

Samantala, ang 459,810 doses naman ay dinala sa Pharmaserv storage facility sa Marikina City.

 

Bahagi ito ng 40 million Pfizer doses na binili ng gobyerno.

 

Una nang tumanggap ang Pilipinas ng 2.2 million Pfizer doses noong nakaraang buwan, matapos ang 193,000 doses na dumating noong Mayo mula sa COVAX facility ng World Health Organization.

 

Bukas at sa darating na Biyernes, inaasahan na darating ang karagdagang 2.5 million doses naman ng Sinovac.

Read more...