Sa datos ng Department of Health (DOH) at National Task Force Against COVID-19 hanggang araw ng Linggo (July 18, 2021), nasa kabuuang 15,096,261 na ang naiturok na bakuna laban sa nakakahawang sakit.
Sa nasabing bilang, 10,388,188 ang nabigyan ng first dose habang 4,708,073 ang naturukan ng second dose.
Nasa 271,426 naman ang average ng daily vaccinated individuals sa nakalipas na pitong araw.
Patuloy namang hinihikayat ng gobyerno na magpabakuna na.
Pinaalalahanan din ang mga nabakunahan na sumunod pa rin sa minimum public health standards.
READ NEXT
PCG, nakatutok sa pagdating ng 2 sasakyang-pandagat sa Albay na may mga sakay na positibo sa COVID-19
MOST READ
LATEST STORIES