Hindi na dapat pagtiwalaan pa si Pangulong Duterte na susunod o kahit ikunsidera ang nilalaman ng Saligang Batas ng bansa.
Ito ang sinabi ni Sen. Leila de Lima kaugnay sa sinabi ni Pangulong Duterte na ikinukunsidera na niya ang pagsali sa vice presidential race sa 2022 elections.
Ipinaliwanag niya na ang ipinagbabawal lang sa Saligang Batas ang ‘re-election’ ng pangulo ng bansa.
“But of course, since the Constitution did not spell out that any other manner of assuming the presidency other than via re-election is also proscribed, Duterte takes this as a license for becoming the president again via the vice presidency,”ayon kay de Lima.
Sinabi nito na tila wala naman pakialam ang Punong Ehekutibo sa Konstitusyon dahil nilalabag na niya ang pinakamataas na batas sa bansa.
“He already violated and continues to violate with abandon the very first law from which all other laws emanate: Thou shall not kill. You violate that first law of civilization and humanity, there is no other law that you would not think of violating,” diin pa ng senadora.
Dagdag pa niya at sa kanyang palagay ay iniisip ni Pangulong Duterte na mas ‘mataas’ pa siya sa anumang batas sa bansa.