Mula sa 7.91Mbps noong 2016, ngayon ay 66.55Mbps o pagtaas ng 741.34 percent ang fixed broadband download speed sa bansa, ayon sa inilabas na ulat ng Ookla’s Speedtest Global Index para noong Hunyo.
Ang mobile speed naman na nagsimula sa 7.44Mbps noong 2016 ay umangat na sa 32.84Mbps o pagtaas ng 341.40 percent.
Noong 2016, nasa ika-94 puwesto ang Pilipinas sa hanay ng 133 bansa sa usapin ng bilis ng internet sa fixed broadband at pang-1000 sa 122 bansa sa mobile connection.
Ngayon, sa 181 bansa, ang Pilipinas ay pang-62 na sa fixed broadband at nasa ika-75 sa 137 bansa sa mobile internet.
Pinansin ng Ookla na tumaas pa ng tatlong puntos noong Hunyo sa 66.55Mbps ang fixed broadband speed sa bansa kumpara noong Hunyo, samantalang dalawang puntos naman ang iniangat sa mobile data.
Sa 50 bansa sa Asia, pang-17 at pang-23 ang Pilipinas sa fixed broadband at mobile.
Ang pagbilis ng internet speed sa bansa ay iniuugnay sa pagpapatayo ng mga pasilidad at imprastraktura ng telcos dahil na rin sa mabilis na pagpapalabas ng LGUs ng permits base sa utos ni Pangulong Duterte.