Heavy rainfall warning, nakataas sa ilang lalawigan

PHOTO CREDIT: DOST-PAGASA/FACEBOOK

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning ang ilang lugar sa bansa.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 3:00, Lunes ng hapon (July 19), ito ay dulot pa rin ng Southwest Monsoon.

Nakataas ang yellow warning level sa Zamboanga del Norte (Dapitan City, Sibutad, Rizal, La Libertad, Mutia, Sergio Osmeña Sr., Piñan, Polanco, Dipolog City, Katipunan, President Manuel A. Roxas, Manukan, Jose Dalman, Sindangan, Leon B. Postigo, Godod, Salug, Liloy, Tampilisan, Labason, Kalawit, Gutalac, Baliguian); Misamis Occidental (Sapang Dalaga, Baliangao, Plaridel, Calamba, Lopez Jaena); Zamboanga del Sur (Dumingag); Basilan (Hadji Mohammad Ajul, Tuburan, Al-Barka, Tipo-Tipo)

Dahil dito, sinabi ng weather bureau na posibleng makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.

Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.

Iiral naman ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa bahagi ng Misamis Oriental (ElSalvador, Alubijid, Laguindingan, Naawan, Manticao); Lanao del Norte (Sultan Naga Dimaporo, Nunungan, Sapad); Lanao del Sur (Picong, Calanogas); Zamboanga Sibugay (Titay, Ipil).

Kaparehong lagay ng panahon din ang mararanasan sa Davao Oriental (Mati, Gov. Generoso, San Isidro), Davao Occidental (Malita, Sta. Maria); South Cotabato (General Santos City, Polomolok, T’boli); Sarangani (Malungon, Alabel); North Cotabato, parte ng Bukidnon, Agusan del Sur, Dinagat Island, Surigao del Sur, Sulu, at mga kalapit na lugar.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

Read more...