Panibagong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, ipatutupad bukas

Abiso sa mga motorista.

Magpapatupad muli ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, PTT Philippines, Shell, Seaoil, at Total, may dagdag na P0.30 sa kada litro ng diesel.

Nasa P0.10 naman ang taas sa presyo ng gasoline ng Caltex, Petro Gazz, PTT Philippines, Shell, Seaoil, at Total habang sa Cleanfuel ay walang paggalaw.

Magkakaroon naman ng P0.30 na patong sa bawat litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price increase sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (July 20).

Magiging epektibo naman ang oil price adjustment ng Petro Gazz, Shell, at Seaoil bandang 6:00, Martes ng umaga.

Samantala, dakong 4:01, Martes ng hapon magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

Read more...