Nag-positibo sa COVID-19 si Ormoc City Mayor Richard Gomez.
Ayon kay Gomez, nakararanas siya ngayon ng mild symptoms.
Natanggap ni Gomez ang resulta ng kanyang swab test result noong Biyernes.
Negatibo naman sa COVID-19 ang kanyang asawa na si Leyte Representative Lucy Gomez.
Ayon kay Mayor Gomez, pinayuhan na niya ang kanyang mga nakasalamuha na mag-isolate at suriin ang sarili kung may mga sintomas ng COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES