Isang graduate ng Philippine Women’s University sa Manila ang topnotcher sa July 2021 Nurse Licensure Examination.
Ayon sa website ng Professional Regulation Commission, nakakuha ng 89.40 percent si Haydee Soriano Bacani.
Aabot sa 7,746 ang kumuha ng pagsusulit pero 5,0008 lamang ang nakapasa.
Pumangalawa naman si Liezl Merado Tuazon ng Angeles University Foundation na nakakuha ng 89 percent.
Pareho naman sa ikatlong puwesto sina Marlchiel Nathan Sungahed Arreglado ng St. Paul University-Tuguegarao at Ana Maria Kim Ramos Vallente ng Capitol University na nakakuha ng 88.60 percent.
MOST READ
LATEST STORIES