MRT-3, may handog na libreng sakay sa mga PWD

May handog ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3 ng libreng sakay sa lahat ng persons with disabilities (PWDs) na pasahero nito mula July 17 hanggang 23, 2021.

Bahagi ito ng pakikiisa sa selebrasyon ng ika-43 National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week.

Magsisimula ang libreng sakay simula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi sa nasabing mga petsa.

Kailangan lamang ipakita ang PWD ID sa security personnel sa pagsakay sa mga istasyon.

Nakikiisa ang pamunuan ng MRT-3 sa pagkilala at pagsulong ng mga karapatan ng mga PWD.

Read more...