Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (July 16), pumalo na sa 1,496,328 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 48,480 o 3.2 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 5,676 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
91.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.1 porsyento ang asymptomatic; 1.85 porsyento ang moderate; 2.6 porsyento ang severe habang 1.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 162 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 26,476 o 1.77 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 2,670 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,421,372 o 95.0 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.