Bike racks itinayo sa iba’t ibang istasyon ng LRT-1, LRT-2, MRT-3, PNR

DOTr photo

Nagtayo ang Railways Sector ng Department of Transportation (DOTr) ng bike racks sa iba’t ibang stations ng LRT-1, LRT-2, MRT-3 at PNR.

Ito ay bilang pagsuporta sa Active Transportation Program na inilunsad ng kagawaran, sa pamumuno ni Secretary Arthur Tugade.

Naniniwala ang kalihim na malaki ang maitutulong nito upang hassle-free na ang pagdala ng bisikleta ng mga pasahero.

Libreng magagamit ng mga siklistang pasahero ang mga bike rack.

Paalala naman ng DOTr sa mga pasahero, siguraduhing ligtas at secure ang kanilang bike, sa pamamagitan ng paggamit ng mga personal at fully-secured na mga padlock.

Read more...