Nagresulta ito sa pagkasawi ng apat na hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) habang isa ang naaresto.
Base sa isinumiteng ulat ni Special Action Force (SAF) PMGen Felipe Natividad, maghahain sana ng arrest warrants ang mga awtoridad laban kina Baradi Ganie, Remie Ganie, Dawam Morales at Mando Morales dahil sa kasong murder, kidnapping at carnapping sa Barangay Balobo.
Dito lumaban ang mga hinihinalang rebelde sa mga pulis kung kaya’t nasawi sina Baradi at Remie Ganie, Mando Morales at isang Jack Akalul. Nahuli naman ng mga awtoridad si Dawam Morales.
Nakuha ng mga awtoridad ang isang KG9 Cal. 9mm submachine pistol, isang Cal. 45 pistol, shotgun, Cal. 30, at ilang cartridges ng iba’t ibang calibers sa pinangyarihan ng engkwentro.
Ang mga rebelde ay pinaniniwalaang nasa ilalim ng pamumuno ni ASG sub-leader Radzmil Jannatul.
Binati naman ni PNP Chief Guillermo Eleazar ang lahat ng police units na kabilang sa naturang operasyon.
Pinaalala nito na dapat silang manatiling nakaalerto sa posibleng pag-atake ng rebeldeng grupo.
“Posibleng gumanti ang mga kasamahang Abu Sayyaf nitong mga napatay sa operasyon at iyong isang nahuli. I am directing all concerned police offices and units to be on alert against possible attacks,” pahayag nito.
Dagdag pa ng PNP Chief, “Makakaasa ang publiko na handa kaming magbigay proteksyon sakaling magsagawa ng pag-atake ang bandidong grupo.”
Sanib-pwersa sa operasyon ang 84th Special Action Company of the Rapid Deployment Battalion, 53rd and 54th Special Action Battalion, Provincial Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion BASULTA;, Lamitan City Police, PNP Drug Enforcement Unit, at Basilan Provincial Police Office.