Sen. Manny Pacquiao humirit ng Senate inquiry sa SAP disbursement

Bago umalis patungong Amerika para sa kanyang nalalapit na laban si Senator Manny Pacquiao, binanggit na niya ang ilan sa mga programa ng ibat-ibang ahensiya na sa paniniwala niya ay may korapsyon.

Naghain na ng resolusyon si Pacquiao para maimbestigahan sa Senado ang pamahahagi ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Partikular na binanggit ng senador sa kanyang Senate Resolution No. 779 ang pagkuha ng DSWD sa serbisyo ng Starpay, na isang hindi kilalang electronic money issuer (EMI), para sa pamamahagi ng P14 bilyon sa 1.8 milyong benipesaryo ng programa.

Ang bilang ng benipesaryo ay ang dapat na tatangap ng second tranche ng ayuda.

Binanggit sa resolusyon na 500,000 benipesaryo lang ang nakagamit ng Starpay app at ang 1.3 milyon ay pinagdududahan na nakatanggap ng ayuda.

Ngunit sa datos na ibinigay ng DSWD naibigay na sa lahat ng benipesaryo ang pondo kayat nais ni Pacquiao na maimbestigahan kung may kutsabahan sa pagitan ng kagawaran at Starpay sa pamamahagi ng ayuda.

Read more...