Pinuna ni Senator Leila de Lima ang pagtanggi ng administrasyong-Duterte na may ‘education crisis’ sa bansa.
Diin ng senadora malinaw naman na malaking hamon ang distance learning system lalo na sa mga mahihirap na estudyante.
Aniya maging mga guro ay nahihirapan sa pagkasa ng bagong sistema, gayundin ang mga magulang sa paggabay sa pag-aaral ng kanilang anak.
“We’ve seen reports of students who have severely struggled to adapt due to lack of gadgets or steady access to the internet. We’ve heard of teachers working double-time to create learning modules and even spend money out of their pockets just to be able to hold online classes. We’ve learned of parents who have now assumed an even greater burden in their households by taking on the role of assistant teachers to their children. Everyone adjusted tremendously, except for our leaders,” hirit ni de Lima.
Aniya malinaw naman na pinalala pa ng pandemya ang estado ng edukasyon sa bansa.
Sinabi na rin nito na hindi na rin marahil dapat ipagtaka ang pagtanggi ng gobyerno dahil na rin sa mga kapalpakan sa pagharap sa pandemya.
Marahil aniya ay hintayin na lang ang pagdating ng panahon na kinakailangan nang magtrabaho ng mga mag-aaral ngayon para malaman kung sapat ang nakuha nilang edukasyon kasabay ng pandemya.