BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, mahigit 1.49-M na; 5,221 ang nadagdag

Lagpas 5,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (July 15), pumalo na sa 1,490,665 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 45,495 o 3.1 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 5,221 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

91.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.1 porsyento ang asymptomatic; 1.96 porsyento ang moderate; 2.8 porsyento ang severe habang 1.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 82 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 26,314 o 1.77 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 4,147 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,418,856 o 95.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...