250,000 doses ng Moderna COVID-19 vaccine, dumating sa bansa

Manila PIO photo

Mahigit 250,000 doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng Moderna ang dumating sa Pilipinas sa araw ng Huwebes, July 15.

Dumating ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dakong 12:54 ng tanghali.

Sa nasabing bilang, 194,400 doses ng bakuna ang binili ng gobyerno habang 56,400 naman sa pribadong sektor.

Matatandaang dumating ang unang batch ng Moderna kung saan 249,600 doses ang nai-deliver sa bansa noong June 27.

Read more...