PNP kumilos na sa bentahan ng pekeng swab test result

Dalawang operating units ng PNP ang pinakilos para imbestigahan ang sinasabing bentahan ng pekeng COVID 19 swab test results.

Inatasan ni PNP Chief Guillermo Eleazar ang CIDG at Anti-Cybercrime Group para hanapin at arestuhin ang mga sangkot sa panibagong scam.

Kumalat sa social media na sa pinakamababang P1,000 ay makakabili ng pekeng swab test results.

Pakiusap ni Eleazar sa publiko na agad isumbong sa kanila ang mga mag-aalok ng nabanggit na serbisyo at paalala lang din niya, ang mga bibili ng pekeng resulta ay maari din kasuhan.

“We are asking for the public’s cooperation so that we can quickly arrest the culprits and shut down this activity which is not only illegal but poses a danger to public health as it would set back our efforts in curbing the spread of COVID-19,” sabi ng hepe ng pambansang pulisya.

Nagpalabas na rin ng pahayag ang DOH ukol sa isyu at hinikayat ang publiko na ipagbigay-alam sa awtoridad ang anumang impormasyon ukol sa bentahan ng pekeng COVID 19 test.

 

Ayon sa kagawaran ang maaring maipakita bilang patunay ay ang kopya ng pekeng test result at ang pangalan ng laboratoryo o tao na nagbigay ng resulta.

Read more...