EDSA traffic dumidikit na sa naranasan noong 2019 Christmas season – traffic czar

Malapit nang matulad sa naranasang 2019 Yuletide traffic ang sitwasyon ngayon  sa EDSA.

Ito ang obserbasyon ni MMDA traffic czar Edison Nebrija dahil aniya malapit nang umabot sa 400,000 sasakyan kada araw ang gumagamit ng EDSA.

“We’re already at 98 percent of the pre-pandemic volume. We’re already at 399,000 compared to the 405,882 that we had December of 2019,” sabi ni Nebrija sa isang panayam.

Paliwanag pa nito, ang binanggit niyang datos noong 2019 ay kasabay pa ng Kapaskuhan at aniya ngayon ay buwan pa lang ng Hulyo.

Binanggit naman na pangunahing dahilan ni Nebrija sa mabigat ng daloy ng mga sasakyan sa EDSA ngayon ay ang pagpapaluwag na ng quarantine restrictions.

Aniya 70 porsiyento na sa mga negosyo sa Metro Manila ang nagbalik-operasyon at nakakalabas na rin ang mga pamilya kayat maraming sasakyan na ang mga nasa kalsada.

Ibinahagi pa ni Nebrija na pinag-aaralan na nila ngayon ang travel time at travel speed sa pagkunsidera na ibalik na ang number-coding scheme.

Read more...