Pangulong Duterte hindi kailangan ng booster shots – Palasyo

Hindi kailangan ni Pangulong Duterte ng ‘booster shots’ matapos maging ‘fully vaccinated’ na nang maturukan ng seconde dose ng Sinopharm vaccine, ayon sa Malakanyang.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque, si Pangulong Duterte na mismo ang nagsabi na nasuri na ang kanyang antibodies at mataas ang kanyang antibody count.

Noon lamang nakaraang Lunes naiturok kay Pangulong Duterte ang second dose dalawang buwan matapos ang kanyang first dose.

Reaksyon ito ng Malakanyang sa pagbubunyag ni San Juan Rep. Ronaldo Zamora na nagpaturok siya ng dalawang doses ng Pfizer vaccine matapos na rin makadalawang doses ng Sinopharm vaccine noong nakaraang taon.

Katuwiran ni Zamora, nagsilbing ‘booster shots’ niya ang Pfizer doses dahil ito ang payo ng kanyang doktor sa katuwiran na ‘zero’ ang kanyang antibody count.

Read more...