Ibinahagi ng Food and Drug Administration (FDA) na wala pa sa isang porsiyento ng kabuuang bilang ng mga nabakunahang Filipino ang nakaranas ng side effects ng COVID 19 vaccine.
Ayon kay FDA Dir. Gen. Eric Domingo ito ay base sa mga natanggap ng kanilang adverse events reporting system.
Binanggit din niya na ‘non serious’ na maituturing ang naranasang side effects ng bakuna.
Samantala, sinabi ni Dr. Anna Ong-Lim, miyembro ng DOH Technical Advisory Group (TAG) na walang ‘fatal case’ na naiulat dahil sa epekto ng bakuna.
Aniya hanggang noong Hulyo 4, sa 11,708,029 nabakunahan, 47,897 o 0.41 porsiyento ang nag-ulat ng side effects.
At sa bilang ng mga nagsabing nakaranas ng side effects, 46,826 o 97.76 porsiyento ang non-serious at ang 2.23 porisyento o 1,071 ang serious.
Karaniwan pa rin normal side effects ang pananakit ng ulo, pananakit ng naturukan braso, lagnat, pagkahilo at pagtaas ng blood pressure.