Binabantayang LPA ng PAGASA paiigtingin ang habagat; bahagi ng S. Luzon, Visayas uulanin

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang low pressure area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

 

Kaninang alas-3 ng madalig araw, namataan ang LPA sa layong 1,600 kilometro ng Central Luzon at inaasahan na papasok ito ng PAR.

 

Ngunit mababa ang posibilidd na ito ay maging bagyo sa loob ng 24 oras at maaring hindi rin tumama sa kalupaan.

 

Sinabi ni weather specialist Benison Estareja na maaring dahan-dahan nitong paiigtingin ang mga epekto ng habagat na nakaka-apekto na sa kanlurang bahagi ng Timog Luzon at Visayas at maaring magdulot ng mga pag-ulan sa mga susunod na araw.

 

Magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan sa Western Visayas, Zamboanga Peninunsla, Palawan at Mindoro.

 

Ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay maaring maging maulap na may manakanakang pag-ulan bunga ng habagat at localized thunderstorms.

 

Read more...