Dalawang KTV bar sa QC, ipinasara dahil sa paglabag sa quarantine protocols

QC LGU photo

Ipinasara ng Quezon City government ang dalawang KTV bar dahil sa paglabag sa quarantine protocols at guidelines.

Nahuli ang Baia Luna KTV at Chaparral KTV Ventures Inc. na hindi tumatalima sa inilatag sa panuntunan nang mag-inspeksyon ang Quezon City Task Force Disiplina.

Pinanguna ni Mayor Joy Belmonte ang pagsasara sa dalawang KTV bar kasama sina Quezon City Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Margie Santos, BPLD Task Force Enforcement Head Ret Col Marcelino Pedrozo at City Attorney Nino Casimiro.

Maliban sa paglabag sa quarantine guidelines, napag-alaman ding walang business permit ang Chaparral KTV Ventures habang expired naman ang business permit ng Baia Luna KTV.

Ipinasara din ng QC LGU ang En Route Distillery dahil sa mga paglabag sa local at IATF guidelines.

Base sa GCQ guidelines ng lungsod, hindi pa maaaring magbalik operasyon ang bars, clubs, concert halls at ilang entertainment at leisure centers.

Babala ni Belmonte, agad ipapasara ng lokal na pamahalaan ang mga negosyong hindi sumusunod sa minimum health standards, guidelines at batas.

Read more...