Mas mataas ito kumpara sa 32 porsyentong naitala sa May 2021 survey.
Sa tanong kung may pagkakataong bigyan ng libreng bakuna, lumabas sa survey na 36 porsyento ang “will surely get it” at siyam na porsyento ang “will probably get it”.
Nasa 24 porsyento naman ang nagsabing “uncertain about it” o hindi tiyak kung magpapabakuna; 21 porsyento naman ang hindi handa kung saan 18 porsyento rito ang nagsabing “will surely not get it” at tatlong porsyento ang “will probably not get it”.
Napag-alaman din sa naturang survey na pitong porsyento ang nakatanggap na ng first dose ng COVID-19 vaccine habang tatlo ang nakakuha ng second dose.
Isinagawa ang Second Quarter 2021 Social Weather Survey sa 1,200 adults sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa buong bansa mula June 23 hanggang 26, 2021.
Ang naturang survey ay may sampling error margins na ±3% para sa national percentages at ±6% naman sa Balance Luzon, Metro Manila, Visayas, at Mindanao.