Nalusaw na ang low pressure area (LPA) sa Silangang bahagi ng Samar.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, hindi naaapektuhan ng Southwest Monsoon o Habagat ang anumang bahagi ng bansa.
Nakakaapekto lamang aniya nito ang Katimugang bahagi ng West Philippine Sea o South China Sea.
Sa ngayon, umiiral ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Southern part ng Mindanao.
Iiral lamang aniya ang mga thunderstorm na magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog, pagkidlat sa ilang bahagi ng bansa.
Samantala, may panibagong LPA na tinututukan ang weather system sa labas ng bansa.
Huling namataan ang LPA sa layong 1,655 kilometers Silangan ng Central Luzon dakong 3:00 ng hapon.
Sa ngayon, nakikita ng PAGASA na kikilos ang LPA sa direksyong Hilagang-Kanluran papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at saka naman kikilos pa-Hilagang Silangan palabas muli ng teritoryo ng bansa.
Dito aniya inaasahang lalakas ang LPA at magiging bagyo sa susunod na 24 hanggang 36 oras.
Kapag pumasok sa bansa, bibigyan ang bagyo ng local name na Fabian.
Sa ngayon, hindi nakikitang tatama sa alinmang kalupaan ng bansa ang sama ng panahon pero ani Rojas, hihilahin at mapapalakas nito ang Habagat na magdadala ng pag-ulan sa Kanluran at Gitnang bahagi ng bansa.
Paalala pa ni Rojas, posible pang magbago ang kilos ng sama ng panahon kung kaya dapat pa ring mag-antabay sa lagay ng panahon.