Magpapatupad na rin ang Pilipinas ng travel restrictions sa lahat ng biyahe mula sa Indonesia.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bawal munang pumasok sa bansa ang mga biyaherong may travel history mula sa Indonesia sa nakalipas na 14 araw.
“The Palace confirms that President Rodrigo Roa Duterte has approved the travel restrictions for all travelers coming from Indonesia or those with travel history to Indonesia within the last fourteen (14) days preceding arrival in the Philippines,” pahayag ni Roque.
Epektibo ang travel ban simula 12:01, Biyernes ng madaling-araw (July 16), hanggang 11:59, Sabado ng gabi (July 31).
Ito ay dahil sa banta ng Delta variant ng COVID-19.
“Passengers already in transit from the abovementioned country, and all those who have been to the same within 14 days immediately preceding arrival to the Philippines, who arrive before 12:01AM of July 12, 2021, may still be allowed to enter the country but will be required to undergo a full 14-day facility quarantine notwithstanding a negative RT-PCR result,” pahayag pa ni Roque.
Una rito, pinalawig pa ng Pilipinas ang travel ban sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman hanggang July 31, 2021.