Pansamantalang suspensyon ng pagpapadala ng OFW sa Israel, binawi na

Photo grab from PCOO Facebook video

Binawi na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pansamantalang suspensyon sa pagpapadala ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Israel.

Sa inilabas na memorandum, ipinag-utos ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagbabawi ng suspensyon “effective immediately.”

Ito ang naging desisyon base aniya sa naging rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Napaulat na bumaba na ang insidente ng karahasan sa pagitan ng Israel Defense Force at Palentinian militant groups simula nang ipatupad ang Hamas ceasefire noong May 21, 2021.

Matatandaang buwan ng Mayo nang isuspinde ng goberyno ang deployment ng OFWs sa Israel dahil sa nangyaring tensyon.

Read more...