Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (July 14), pumalo na sa 1,485,457 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 44,408 o 3.0 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 3,806 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
90.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.5 porsyento ang asymptomatic; 1.95 porsyento ang moderate; 2.8 porsyento ang severe habang 1.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 140 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 26,232 o 1.77 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 6,296 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,414,817 o 95.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.