Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang sa tambalang Senador Panfilo “Ping” Lacson at Senador Vicente “Tito” Sotto III.
Una nang naiulat na tatakbong pangulo ng bansa si Lacson at makaka-tandem si Sotto sa 2022 national elections.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, isang demokratikong bansa ang PIlipinas at maaring tumakbo ang sinumang kwalipikado.
Mahalaga rin aniya na may mapagpilian ang taong bayan sa mga kakandidatong lider ng bansa.
“We wish them the very best. Because in a democracy, kinakailangan mayroong pagpipilian ang taong bayan,” pahayag ni Roque.
Bukod sa Lacson-Sotto tandem, lumutang na rin ang tambalang Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Pangulong Rodrigo Duterte.
Matunog din ang pangalan nina Senador Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno na posibleng kumandidatong pangulo ng bansa.