Sinang-ayunan ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpayag sa mga bata, edad lima pataas, na makalabas na rin ng kanilang bahay sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) at modified GCQ.
Naniniwala ang CHR na malaking tulong ito sa kapakanan ng mga bata.
“Children have the right to leisure, play, and recreational activities. This is crucial to their development and well-being while also enabling their participation in the community’s cultural, social, and artistic life,” sabi ni CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia.
Diin niya malaki ang naging epekto sa mga bata ng quarantine restrictions, gayundin ang epekto sa kanilang kabuhayan at pag-aaral ng pandemya.
“Allowing young people to safely go outdoors will enable social interaction instead of just being glued on their digital devices. Outdoor activities will also revive their physical and mental vitality by being more engaged in the cultural and social life,” punto pa nito.
Naniniwala din ang opisyal na makakatulong din ang paglabas na ng mga bata para mapasigla muli ang mga negosyo, na ang operasyon ay nakatuon sa mga nasa murang edad.
Pagdidiin lang ni de Guia kailangan na matiyak na mapapangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng mga bata sa pamamagitan ng pagsunod sa health and safety protocols ng mga establismento.