Travel ban sa mga bansang may mataas na kaso ng Delta variant, pinalawig pa

Pinalawig pa ng Inter-Agency Task Force ang travel ban sa mga bansang nakapagtala ng mataas na kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mananatili ang travel ban sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman hanggang sa July 31, 2021.

Nabatid na hanggang July 15 lamang dapat ang travel ban pero pinalawig pa ito ng dalawang linggo.

Ipinatupad ang travel ban dahil mas delikado ang Delta variant kumpara sa ordinaryong COVID-19.

Ayon kay Roque, inatasan ng IATF ang technical working group napag-aralan ang tamang testing at quarantine protocols para sa mga paparating na biyahera mula sa mga nabanggit na bansang mayroong travel ban.

Read more...