Pilipinas tiniyak na ibabalik ang mga dumi at basura na itinapon sa West Philippine Sea

Naninindigan ang Malakanyang na kapag napatunayan na nagtatapon ng mga basura ang China sa exclusive economic zone (EEZ) ng West Philippine Sea (WPS) ito ay ibabalik sa pinagmulang bansa.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na kahit minsan ay hindi pumayag si Pangulong Duterte na maging tapunan ng mga basura ng ibang bansa ang Pilipinas.

Ipinaalala nito ang naging utos noong 2019 ng Punong Ehekutibo na ibalik sa Canada ang mga nadiskubreng ‘industrial and household wastes’ ipinadala sa Pilipinas.

Ngunit paglilinaw ni Roque nagpapatuloy pa rin ang pagkumpirma sa ulat ng isang US-based firm na nagtapon ng mga basura, kasama na ang dumi ng tao, ang mga pumasok na sa Chinese vessels sa EEZ ng Pilipinas sa bahagi ng WPS.

Ang Department of National Defense ay kinukumpirma na rin ang inilabas na ulat ng kompaniyang Simularity bagamat sinabi na ang larawan ay maaring sa Great Barrier Reef.

Read more...