PAGASA, may namataang LPA sa loob ng bansa

DOST PAGASA satellite image

May namataang low pressure area (LPA) ang PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay PAGASA weather specialist Joey Figuracion, nabuo ang LPA bandang 2:00 ng hapon.

Bandang 3:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng LPA sa layong 130 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng Borongan, Eastern Samar.

Maghahatid aniya ng pag-ulan ang sama ng panahon.

Asahan na ang kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol region, buing Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Zambales at Bataan.

Gayunman, hindi inaasahang magiging bagyo ang LPA sa susunod na mga araw.

Mas mataas aniya ang tsansa na malusaw ang LPA sa susunod 24 oras.

Read more...