Noong Martes, April 19, nagdagdag ng P1.10 sa presyo ng kada litro ng gasolina, P1.10 din sa kada litro ng kerosene at P1.50 sa kada litro ng diesel.
Bukas naman, April 26, may dagdag-bawas sa presyo ng mag produktong petrolyo ang mga kumpanya.
Sa abiso ng kumpanyang Shell, epektibo alas 6:00 ng umaga bukas, magpapatupad sila ng bawas na 40 centavos sa kada litro ng gasolina, dagdag na 20 centavos sa kada litro ng kerosene at dagdag na 55 centavos sa kada litro ng diesel.
Matapos ang mahigit pisong dagdag presyo na ipinatupad noong nakaraang linggo ay umabot na sa mahigit P40 ang halaga ng kada litro ng gasolina at halos P25 na ang presyo ng kada litro ng diesel.