“Duterte bumabandera, palapit na sa finish line” sa ‘Wag Kang Pikon ni Jake Maderazo

Santiago-Duterte-Binay-Roxas-and-Poe-presidential-debateKAKATAPOS lang ng debate sa Dagupan City at siyempre, kanya-kanyang deklara ng panalo ang bawat kampo ng mga presidentiables at vice presidentiables.

Pero bago gawin ang debate kahapon, lumabas ang pinakabagong survey ng Pulse Asia- ABS-CBN (Abril 12-17) na nagsasabing 12 puntos ang lamang ni Rodrigo Duterte kina (34) kina Grace Poe (22), Jejomar Binay (19), Mar Roxas (18) at Miriam Santiago (2).

Hindi pa raw kasama sa ginawang survey ang naganap na public outrage sa “rape comment,” “go to hell, Gabriela” at “shut up Australia at Amerika” na ginawa ni Duterte.

Ang laki ng lamang, 12 points na halos mahirap nang habulin kung totoo nga ang ginawang survey.

Noong Sabado, ang grupo ni Ed Malay ay naglabas ng Pulso ng bayan survey (Abril 11-16) kung saan bumagsak ang rating ni Duterte -26.75 (30) at table kay Poe -26.25 (25) samantalang sina Binay -23.25 (20), Roxas-20.75 (19) at Santiago-2 (3).

Kung susuriin, halos pareho ang survey period ng dalawang ito, April 11-16/April 12-17. Isa ang nagsasabing lumalayo si Duterte, isa naman ang nagsabi na ito’y bumababa.

So, sino ang paniniwalaan ng taumbayan; ang Pulse Asia ng grupo nina Raffy Lopa o ang Pulso ng bayan ni Ed Malay?

Kapag lumabas ang “mobile survey” naman ng SWS, paniniwalaan din ba natin? Sa panig ng mga botante, mara-ming kaisipan ang kanilang pinagdadaanan.

Iboboto ba nila si Duterte: palamura, maraming asawa, aminadong mamamatay-tao, pinagbibintangang komunista, pro-federa-lism, galit sa Amerikano at Australia pero magbibigay naman daw ”malinis na gobyerno”?

Pero tanggapin natin ang di mapigil niyang bunganga, iboboto ba nila si Poe na ang first gentleman at mga anak ay mga American citizen, bukod pa sa nakabitin sa Presidential Electoral Tribunal ang kanyang posisyon kung manalo?

Bukod sa pagiging sekretong kandidato ni PNoy, siya ay kulang sa karanasan pero sisikapin daw niyang ibigay ang isang gobyernong may puso.

Iboboto ba nila si Binay na katakut-takot ang mga bintang ng pagnanakaw? Buong pa-milya ay ginawan ng kwento ng corruption sa media nang wala man lang “presumption of innocence’? Pero nanga-ngako siya ng karanasan at ehemplong kaunlaran ng Makati para sa buong bansa upang mahango ang kapos sa kanilang kahirapan.

Iboboto niyo ba si Roxas na sinasabing nuno ng incompetence sa MRT, DOTC, DILG, “Yolanda” at may mga nakapaligid na mga corrupt na alalay, bukod pa sa pagiging elitist gaya ni PNoy? Itutuloy daw niya ang Daang Matuwid na ayon sa kanya ang siyang nagpaganda ng buhay ng sambayanan at lalo pang gaganda sa dako pa roon.

O si Miriam na ang tanging kasiraan ay ang kanyang “kanser” at ang kwestyunableng kalusugan upang mamuno sa bansa sa loob ng anim na taon.

Totoong mahirap ang mga “choices” lalo pa’t anim na taon ang gaga-wing paglilingkod. Naloko na tayo ng mga pangako ng nakaraang 2010 elections at nadala sa emosyon.

Ngayon naman, ang umiiral at nagsusumigaw sa nakararaming mamamayan ay ang “totoong pagbabago” sa 2016.

Mag-ingat tayo at baka sa bandang huli ay ang makita natin ay pabalat bungang pagbabago lamang. Ibig kong sabihin, mga bagong “corrupt” sa gobyerno, mas magulo at mas pabor sa mayayaman na pamamahala. THINQ! Bayan.

 

Read more...