Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (July 13), pumalo na sa 1,481,660 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 46,934 o 3.2 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 3,604 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
89.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 4.3 porsyento ang asymptomatic; 1.83 porsyento ang moderate; 2.6 porsyento ang severe habang 1.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 77 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 26,092 o 1.76 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 5,840 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,408,634 o 95.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.