Konstruksyon ng Estrella Pantaleon bridge, malapit nang matapos

DPWH photo

Malapit nang matapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng  Estrella Pantaleon Bridge Project sa bahagi ng Pasig River.

Target na makumpleto ang naturang proyekto sa pagtatapos ng buwan ng Hulyo.

Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, kahit nagkaroon ng COVID-19 pandemic, paspas pa rin ang DPWH-Unified Project Management Office (UPMO) Team para matapos ang proyekto.

Sa report kay Villar, sinabi ni Undersecretary for UPMO Operations Emil Sadain na kabilang sa mga malapit nang matapos ang asphalt concrete base, binder and wearing course ng 146 metrong main bridge at 66 metrong Makati approach bridge.

Naisaayos naman na ang ancillary works para sa bridge project na may V-shape piers kasama ang protective barriers at railings sa magkaparehong side ng tulay, storm water drainage structure, at lightings.

Ang P1.46-billion bridge project ay magkakaroon ng apat na lanes.

Kabilang ang proyekto sa dalawang grant bridges mula sa China; isa rito ang Binondo-Intramuros Bridge.

DPWH photo

Read more...