Sinabi ni NCRPO director, Maj. Gen. Vicente Danao Jr. na naaresto sina Taupik Galbun alias Pa Wahid, 40-anyos at Saik Galbun, alyas “Pa Tanda”.sa Barangay Upper Bicutan, Taguig City noong Linggo ng gabi.
Aniya, si Pa Wahid ay may warrants of arrest para sa kasong six counts ng kidnapping at serious illegal detention with ransom.
Nabatid na tauhan siya ng magkapatid na Isnilon at Bakal Hapilon at nagsilbi siyang lookout sa ilang kaso ng pagdukot sa Sulu at Basilan.
Itinuro siya na sangkot sa pamumugot kina Primitivo Falcansantos, Crisanto Suela at sa Amerikanong si Guillermo Sobero.
Kabilang din siya mga dumukot sa tatlong guro ng Landang Gua Elementary School sa Sacol Island, Zamboanga City noong Enero 23, 2009.
Kasama din siya sa mga dumukot sa mga miyembro ng Jehovah’s Witness noong Agosto 20, 2002 sa Patikul, Sulu, kung saan dalawa sa anim na biktima ang pinugutan.
Ang kanyang kapatid ay positibo namang kinilala na isa din sa mga nakipag-negosasyon para sa ransom ng anim na miyembro ng Jehovah’s Witnesses.
Siya ay may kasong kidnapping at serious illegal detention sa isang korte sa Pasig City.