Columbio, Sultan Kudarat niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 13 kilometers Northeast ng bayan ng Columbio, bandang 1:11 ng hapon.

May lalim na 20 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang intensity sa mga kalapit-bayan.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...