Pangulong Duterte, nakatanggap na ng second dose ng COVID-19 vaccine

Photo credit: Sen. Bong Go/Facebook

Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang second dose ng COVID-19 vaccine na gawa ng Sinopharm.

Sa mga larawang naka-post sa Facebook account ni Sen. Christopher Go, si Health Sec. Francisco Duque III ang muling nagbakuna kay Pangulong Duterte.

Sa kanyang mensahe naman sa reporters, kinumpirma ni Presidential spokesman Harry Roque na fully vaccinated na ang Punong Ehekutibo.

“I confirm that PRRD had his second dose of Sinopharm tonight before his meeting with select members of the IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases). Sec Duque administered the jab to the President,” sabi ni Roque.

Magugunitang naging kontrobersyal ang first dose ni Pangulong Duterte noong Mayo 3 dahil wala pang awtorisasyon ng Food and Drug Administration (FDA) ang Sinopharm vaccine.

Ngunit matapos humingi ng paumanhin, dinepensahan naman ni Pangulong Duterte ang Sinopharm sa pagsasabing nabigyan na ito ng ‘compassionate use’ at ito ang inirekomenda ng kanyang doktor dahil sa kanyang edad.

Noong nakaraang buwan, binigyan na ng FDA ng emergency use authorization ang Sinopharm vaccine.

Photo credit: Sen. Bong Go/Facebook

Read more...