Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang July 12, nasa 20,943 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 95 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 7,344 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Wala namang bagong gumaling kung kaya 12,354 pa rin ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Wala ring bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 1,245 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 11,864 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 3,554 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 990 naman ang kaso sa Americas at 4,535 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.