Panukalang nagsusulong ng transparency sa budget process, inaasahang maisasabatas na

Umaasa si San Jose Del Monte City Rep. Rida Robes na maisasabatas na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas upang makalahok ang publiko sa deliberasyon ng taunang pondo sa Kongreso.

Sinabi ni Robes, chairman ng House Committee on People’s Participation, na mahalaga ang panukalang batas dahil gagawing transparent at participatory ang pagtalakay sa taunang pondo dahil makikibahagi ang grassroot organizations.

Magkakaroon aniya ng boses ang publiko kung paano dapat gastusin ang pondong ipinapasa ng Kongreso.

Maliban dito, masisiguro aniyang matutugunan ang mga pangangailangan ng publiko.

Sa ilalim nito, bibigyan ng notices ng hearings, budget documents at magsusumite rin ng sariling proposals ang accredited civil society organizations na lalahok sa budget preparation ng mga ahensya ng gobyerno.

Uupo rin ang mga ito bilang resource persons sa budget deliberations sa Kongreso at mag-oobserba sa bicameral conference committee meetings.

Sa ngayon, pumasa na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang House Bill No. 7407.

Read more...