Tumamang lindol sa Kadilingan, Bukidnon itinaas sa magnitde 4.3

(UPDATED) Itinaas sa magnitude 4.3 ang tumamang lindol sa Kadilingan, Bukidnon Lunes ng hapon.

Sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 11 kilometers Northwest ng Kadilingan dakong 2:04 ng hapon.

May lalim ang lindol na isang kilometro at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naitala ang sumusunod na intensities:

Intensity 3 – Kadingilan at Don Carlos, Bukidnon; Wao, Lanao Del Sur
Intensity 2 – Damulog, Dangcagan, Kibawe, Kalilangan, Maramag, at Pangantucan, Bukidnon

Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang malakas na lindol.

Read more...