‘Build, Build, Build’ sa West Philippine Sea inihirit sa Department of National Defense

Hinikayat ni Senator Risa Hontiveros ang Department of National Defense na bilisan ang pagpapatayo at pagpapalawak ng mga pasilidad sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea.

Ginawa ito ni Hontiveros kasabay nang paggunita ng ika-limang anibersaryo ng panalo ng Pilipinas kontra China sa Permanent Court of Arbitration (POC) sa The Hague, Netherlands.

Magugunita na noong 2016 pinaboran ng POC ang kaso na inihain ng administrasyong-Noynoy Aquino laban sa China sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

“Magtayo at padamihin na ng DND ang mga pasilidad sa mga isla natin sa WPS. We need to show China that we will no longer be passive about our 2016 victory. Kung hindi nakikinig ang Tsina sa panawagan natin, baka kailangan makita na ng sarili niyang mata kung ano ang ating ibig iparating. We tirelessly and repeatedly invoke the Arbitral Ruling in our pronouncements, but we should also complement these words with actions. It is time to act,” diin ni Hontiveros.

Dagdag pa ng senadora, maaring makipag-ugnayan ang DND sa LGU’s at iba pang ahensiya, tulad ng Department of Science and Technology at Department of Agriculture para sa mga aktibidad at special projects sa mga isla para maipakita na ang mga isla ay bahagi ng teritoryo ng bansa.

“Kailangan ma-reinforce hindi lang ang ating militar, pero pati narin ang mga mamamayang makakabenepisyo sa mga isla natin sa WPS. Napakayaman sa oil, gas, isda, at marami pang natural resources ang WPS at dapat mapunta lahat ng ito sa mga Pilipino,” sabi pa nito.

Read more...