Hindi hinayaan ni Giannis Antetokounmpo na mapapahiya sila sa kanilang bahay kayat kumamada siya ng 41 puntos para pangunahan ang Milwaukee Bucks kontra Phoenix Suns sa Game 3 ng NBA Finals series.
Sumungkit din si Antetokounmpo ng 13 rebounds at nagbigay ng anim na assists para ihatid ang Bucks ang 120 – 100 panalo at matapyasan sa isang panalo ang lamang ng Suns sa kanilang serye.
Ang laro ang unang NBA Finals game sa Milwaukee simula noong 1974.
Sa kanyang kontribusyon, pangatlo pa lang ang 26-anyos two time MVP na makagawa ng back-to-back 40 points at 10 rebounds sa NBA Finals.
Nagawa ito nina Shaquille O’Neal noong 2000 at LeBrone James noong 2016.
Ang Game 4 ng serye ay sa Miyerkules sa homecourt muli ng Bucks bago babalik sa Phoenix.